Ama inatado ng anak

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Dahil sa pagtatanggol sa ina ay nagawang pagtatagain ng 27-anyos magsasaka ang kanyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Maypangi, bayan ng Castilla, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Vicente Peralta Memorial Hospital ang biktimang  si Job Jeroso Sr. samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Job Jeroso Jr. Nabatid na sumiklab ang mainitang pagtatalo ng mag-asawang Jeroso kung saan tinangkang hatawin ng biktima ang kanyang asawang si Evelyn. Subalit ipinagtanggol naman ng suspek ang kanyang ina at pinagtataga ang sariling ama.

Show comments