Walang pang-alak, nag-suicide

NUEVA ECIJA , Philippines   â€” Pinaniniwalaang dinamdam ng 32-anyos na mister ang pagtanggi ng kanyang ina na bigyan siya ng pambili ng alak kaya nagawa nitong magbaril sa sarili noong Linggo ng gabi sa Barangay Inbunia, bayan ng Jaen, Nueva Ecija. Tinangka pang isugod sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City subalit idineklarang patay si Anghel Nagum matapos magbaril sa sintido. Nabatid na lango sa alak ang biktima nang kausapin at hingan nito ng pera ang kanyang nanay subalit hindi pinagbigyan ang kanyang kahilingan.

May kalayuan na umano ang biktima sa kanyang ina nang magbaril sa sintido kung saan sinabi pa nito na – “bukas sa ataul ninyo na ‘ko makikita.”

 

Show comments