2 salvage victim, natagpuan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawang katao na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa bayan ng Bagabag sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.

 Nakilala ang mga natagpuang bangkay na pawang tadtad ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na sina Cesar Pohnac, 32, ng Brgy. Ocapon, Villaverde, Nueva Vizcaya; Joey Lalan, 29, ng Panopdopan, Lamut, Ifugao.

 Sa imbestigasyon ng Bagabag Police, bandang alas-5 ng umaga nang magresponde sila sa lugar matapos na makatanggap ng impormasyon sa pagkakadiskubre sa dalawang bangkay sa Brgy. Baretbet ng nasabing bayan.

Base sa pahayag ng mga residente, bago ang pakaka­tagpo sa mga bangkay ay nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril. Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

 

Show comments