MANILA, Philippines - Dahilan lamang sa maÂling akalang magnanakaw ng tandang o panabong na manok, patay ang isang 49 anyos na mister matapos itong pagbabarilin ng isang negosyante sa Brgy. 12, Cabadbaran City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, kinilala ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba ang nasawing biktima na si Rogelio Rollorata, dead-on-arrival sa Cabadbaran District Hospital.
Nahaharap naman sa kasong kriminal ang negosÂyanteng si Jolly Famador alyas Tikwi, 43, breeder ng panabong na manok sa lugar.
Base sa imbestigasyon, sinabi ni Gamba na ang biktima kasama ang dalawa pa nitong kaibigan ay lulan ng motorsiklo bandang alas-10 ng gabi nang ma-jingle o maihi si Rollorata kaya huminto ang mga ito sa tabi ng highway.
Nagkubli sa puno malapit sa mga ibinebentang paÂnabong na manok ni Famador si Rollorata na eksakto namang nakita ng negosÂyante at napagkamalang magnanakaw ng panabong kaya pinagmumura na nauwi sa mainitang pagtatalo at pamamaril gamit ang homemade shotgun o sumpak sa biktima.