MANILA, Philippines - Dumanas ng panibagong dagok ang New People’s Army (NPA) matapos na sumuko sa tropa ng pamahalaan ang 35 nitong kasapi sa komunistang organisasyon kabilang ang isang opisyal sa iba’tibang bahagi ng Eastern Mindanao Region, ayon sa opisyal kahapon.
Sinabi ni AFP-Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, ang pagsuko ay alinsunod sa programa ng pamahalaan sa ilalim ng Peace and Social Integration Program.
Kahapon ay pormal namang tinanggap ni Lt. General Ricardo Rainier Cruz, commander ng AFP Eastern MinÂdanao ang pagsuko ng grupo ng mga rebelde sa simpleng seremonÂya na ginanap sa himpilan ng Army’s 4th Infantry Division sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.
Nabatid na sa ilalim ng Balik Baril Program ay tatanggap ng mula P2,000 hanggang P10,000 ang mga sumukong rebelde na nagsurender din ng mga homemade na baril at P388,500 sa machine gun.
Samantala, pinakamataas naman sa mga sumukong rebelde ay si Eleuterio “Nolan†Casal, 58, dating Guerilla Front 34 secretary /adviser, Field Guerilla Unit, Field Command 34, Southern Mindanao Regional Committee.
Kabilang naman sa 35 sumukong rebelde ay nago-operate sa CARAGA at Region 10 o mula sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Bukidnon, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Norte at sa Misamis Oriental. Isinurender din ang 31 iba’t ibang armas.