P1-M kargamento hinaydyak

BULACAN, Philippines - – Umaabot sa P1 milyong halaga ng kargamento ang hinaydyak ng dalawang di-kilalang lalaki  sa bahagi ng Brgy. Cruz, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni PO3 Ricky Baluyut, pansamantalang ipinarada ng driver na si Ramilo Santos ang minamanehong trak (RGR-914) na may lulang kargamentong soya beans para magpalit ng gulong nang lapitan at tutukan ng dalawang di-kilalang lalaki. Hindi na nakapalag si Santos at ang pahinanteng si Rudy Guansing sa takot na mapatay. Dito na tinangay ang kargamento kung saan inabandona sina Santos at Guansing sa liblib na bahagi ng McArthur Highway sa Barangay Dakila, Malolos City.

Show comments