SOUTH COTABATO, Philippines - - Sugatan ang nanalong barangay kagawad makaraang pagsasaksakin ng dalawang natalong katunggali nito sa ginanap na pambarangay na halalan sa Sitio Motolao, Barangay Luhib, bayan ng Lake Sebu, South Cotabato, kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Rolly Panaligan, may asawa at ika-5 sa mga nanalong barangay kagawad sa nasabing lugar.
Sa ulat ng pulisya, nagpapasalamat si Panaligan sa mga suporter nito sa bahay ni Sitio leader Maligen Sudaw nang nilapitan ng mga talunang kandidato na sina Erning Mangilay at Dante Ala. Kinompronta ni Mangilay ang biktima kung saan sumiklab ang komosyon hanggang sa maganap ang pananaksak.
Hindi naman nakuntento si Ala sa pananaksak ni Mangilgay kaya tinutukan nito ng baril si Panaligan at tinangkang putukan subalit hindi pumutok ang hawak na baril.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.