Binata pinatay ng kaibigan

BULACAN, Philippines - Humabol sa araw ng Undas ang 22-anyos na binata makaraang saksakin ng kanyang kaibigan habang nakikipag-inuman kamakalawa ng gabi sa Barangay Mercado, bayan ng Hagonoy, Bulacan. Sa ulat ni PO1 Roderick Velano, magkasamang nag-iinuman ang biktimang si Rommel Crisostomo at ang kaibigang suspek na si Cleomar Santos nag sumiklab ang pagtatalo matapos maungkat ang matagal na alitan. Pansamantalang umalis ang suspek at pagbalik ay isinagawa ang pananaksak sa kanyang kaibigan. Naisugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay habang naaresto naman ang suspek.

Show comments