Traffic enforcer utas sa vendor

QUEZON, Philippines — Napatay ang isang traffic enforcer na na sinasabing nanita ng mga gumagamit ng plastic bag matapos itong saksakin ng isang vendor sa palengke na kanyang sinita sa Barangay Rizal Poblacion, bayan ng Lopez, Quezon noong Miyerkules ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ro­naldo Genaro Ylagan, nakilala ang biktima na si Cecillo A. Garcia, miyembro ng Mayor Action Group habang pinaghahanap naman ang suspek na si Ricky Laniog Villapando. Bandang alas-5:30 ng hapon, nang sitahin ng biktima ang suspek kaugnay sa ipinaiiral na municipal ordinance ukol sa health and sanitation at illegal vending. Nagkaroon ng pagtatalo at nagkainitan ang dalawa hanggang sa humantong sa pananaksak ng suspek  sa biktima.

Show comments