Bahay ng market master binomba

BULACAN, Philippines — Ginulantang ng malakas na pagsabog ang bahay ng market master makaraang hagisan ng granada ng dalawang di-kilalang lalaking lulan ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Barangay Pulong Gubat, bayan ng Balagtas, Bulacan. Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang market master na si Vicente “Ferrel” Alcoriza, 54, ng Feliciano Homes Subd. sa nasabing barangay. Sa ulat ni PO1 Jerald Manalo, naitala ang pagpapasabog bandang alas-6:55 ng gabi kung saan nawasak ang ilang bahagi ng bahay  at nadamay din ang mga nakagaraheng Mitsubishi Estrada (ZJV-859), at Mitsubishi Montero (JVA-33). Sa tala ng pulisya, lumilitaw na nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima bago maganap ang pagpapasabog kung saan sinisilip ng pulisya kung may bahid-politika ang insidente.

 

Show comments