Kandidatong kagawad tiklo sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Isa na namang kandidato sa gaganaping barangay election sa araw na ito ang nadakip ng pulisya makaraang makumpiskahan ng pinatuyong dahon ng marijuana at shabu na inilatag na operasyon sa Barangay Gueteb, bayan ng Urbiztondo, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joel Doria, 39,  kandidato sa pagka-barangay kagawad. Sa police report, apat na 4- plastic sachet ng shabu at dalawang plastic sachet naman ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa suspek. Ang pagkakaaresto kay Doria sa kanyang bahay ay kasunod sa naunang pagkakadakip kay Chairman Rodolfo Baldemor IV ng Barangay Talokgangan, Banate, Iloilo na nasamsaman din ng shabu noong Sabado.

 

Show comments