2 sekyu tiklo sa pangongotong

CAVITE , Philippines   â€“ Kalaboso ang binagsakan ng dalawang security guard ng ospital matapos arestuhin ng pulisya sa kasong pangongotong kaugnay sa libreng pagpapalabas ng pasyente kamakalawa sa Trece Martirez City, Cavite. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Noel Almazan, 43, ng Purok 6,  Barangay De Ocampo at Victor Huevos, 24, ng Barangay Lapidario at kapwa security guard sa Ge­neral Emilio Aguinaldo Memorial Hospital. Sa imbestigasyon ng pulisya, inalok ng mga suspek ang biktimang si Jhulie Tolentino na mailalabas ang kanyang kaanak na may sakit sakaling magbigay ng malaking halaga. Pumayag naman si Tolentino subalit lingid sa mga suspek ay nakipag-ugnayan sa pulisya ang biktima kung saan naaktuhan ang dalawang sekyu sa inilatag na entrapment operation ng pulisya.

Show comments