Mister kinalasan ni misis, nagbigti
October 25, 2013 | 12:00am
CAVITE , Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 31-anyos na mister na sinasabing kinalasan ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Pulong Bunga Silang Cavite kahapon. Ayon kay P02 Michael Angelo Palanca, bandang alas-9 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Norberto Lancega na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Pinaniniwalaang dinamdam ng biktima ang pakikipaghiwalay sa kanya ng misis na si Belinda Anarna Lancega sa hindi nabatid na dahilan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended