Brodkaster sinampal ng konsehal

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Pinagsasampal ng municipal councilor ang isang brodkaster/reporter ng radio station matapos magkita ang dalawa sa opisina ng Sangguniang Panglungsod noong Lunes sa Iriga City, Albay. Pormal na naghain ng reklamo sa pulisya ang biktimang si Phillip Baracena ng dwFA-FM na nakabase sa nasabing lungsod. Samantala, kinilala naman ang suspek na Councilor Jessie Abonite. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na kausap ng biktima si Councilor Ben Epres at kaibigan nitong si Avelino Vargas ng lapitan at pagsasampalin ng suspek. Napayapa naman ang insidente matapos mamagitan si Epres. Nag-ugat ang insidente dahil sa iniulat ng biktima na ang suspek at isa pang konsehal ay pumunta sa opisina ng congressman sa hindi nabatid na dahilan.

Show comments