Hardware owner kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong Abu Sayyaf Group ang 29-anyos na may-ari ng hardware sa naganap na panibagong kaso ng kidnapping sa Barangay Kasulatan, bayan ng Patikul, Sulu noong Martes ng hapon.

Kinilala ni Col. Jose ­Joh­riel Cenabre, commander ng 2nd Marine Brigade at ng Task Force Sulu ang binihag na si John Archie Hablo Jr., may-ari ng Sincere Hardware Enterprises sa kapitolyo ng Jolo, Sulu.

Nabatid na papauwi ang biktima at kapatid nitong si Harold Mikko na lulan ng motorsiklo nang harangin ng mga armadong kalalakihan na lulan ng jeepney.

Walang nagawa ang biktima matapos itong tutukan ng baril at kaladkarin habang nagawa namang makatakas ng kapatid kung saan ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente.

Sa kasalukuyan, hindi pa nakikipag-ugnayan ang mga kidnaper sa pamilya ng binihag na negosyante habang patuloy ang follow-up operation.

Show comments