^

Probinsiya

Nag-away dahil sa mga poster ng kandidato… Mister hinataw ni misis, dedo

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Napatay ang 50-anyos na mister ng kanyang misis matapos itong pukpukin ng kudkuran ng niyog kaugnay sa pinag-tatalunang mga poster ng kandidato sa barangay elections kahapon ng madaling-araw sa Purok 4, Barangay Biyong, bayan ng Tiwi, Albay.

Hindi na umabot pa ng buhay sa St. Claire Medical Hospital ang biktimang si Lorenzo Martinez habang sumuko naman sa ilang opisyal ng barangay ang suspek na si Salvacion Martinez, 43.

Nabatid na sumiklab ang pagtatalo ng mag-asawa kaugnay sa mga poster ng kandidatong barangay chairman at kagawad na nakalagay sa harapan ng kanilang bahay.

Dito na napikon ang biktima at dahil sa matinding panibugho ay sinuntok nito sa dibidib ang kanyang misis kung saan nasaksihan naman ng kanilang anak na 14-anyos.

Gayon pa man, gumanti ang misis at pinuktok  naman nito ang kanyang mister kung saan biglang sumirit ang dugo sa ulo.

Kaagad naman na nagtulung-tulong ang mga anak at ilang kapitbahay na maisugod sa nasabing ospital ang mister subalit hindi na ito umabot pa ang buhay.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY BIYONG

DITO

GAYON

KAAGAD

LORENZO MARTINEZ

NABATID

NAPATAY

SALVACION MARTINEZ

ST. CLAIRE MEDICAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with