Mag-asawa, anak dedo sa trak

CAVITE , Philippines  â€“ Patay ang mag-asawa at anak na lalaki makaraang salpukin ng truck ang traysikel sa kahabaan ng Diversion Road sa Barangay Bacao 2, bayan ng Ge­neral Trias, Cavite kahapon ng madaling-araw. Naisugod pa sa Divine Grace Medical Center  subalit idineklarang patay ang mag-asawang  Billy Joe Colango, 22; at Clarrise Villarin, 21; at ang anak nilang si  John Daniel Colango, 1-year old and 10 months, pawang nakatira sa Barangay Bunga, bayan ng Tanza, Cavite.
 Arestado naman ang driver ng trailer truck (UWK-204) na si Jessie Villar, 27.
 Sa ulat na nakarating kay  P/Chief Insp. Jojit Ramos, magkakasama ang mga biktima sa traysikel nang salpukin ng  trak ni Villar.

Show comments