Ex-pulis dinedo ng mag-ama

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Napaslang ang da­ting pulis matapos pagbabarilin ng mag ama sa kahabaan ng highway sa Barangay Don Lorenzo Querubin sa bayan ng Caoayan, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Antonino Avera habang nasakote naman ng pangkat ni P/Insp. Jurex Urbano ang mag-amang Enrico Quarte Jr., 59; at Erwin Quarte, 21, kapitbahay ng biktima. Ayon sa ulat, nagmomotorsiklo ang biktima habang kaangkas naman ang kaibigang si Teddy Quitoriano nang pansamantalang tumigil pagsapit sa nasabing lugar. Gayon pa man, lumapit at niratrat ng mag-ama na lulan din ng motorsiklo. Hindi naman idinamay si Quitoriano sa pamamaril kaya nakilala ang mag-amang suspek. Pinaniniwalaang personal na alitan ang isa sa motibo kaya naganap ang pamamaslang.

Show comments