MANILA, Philippines - Limang miyembro ng private armed groups (PAGs) ang sumuko sa himpilan ng pulisya sa lalawigan ng Abra kaugnay ng nalalapit na barangay elections sa Oktubre 28, ayon sa ulat kahapon.
Sa pahayag ni CordilÂlera PNP director P/Chief Supt. Benjamin Magalong, isinuko rin ang dalawang baril na walang lisensya.
Nabatid na noong Miyerkules ng hapon ay personal na sumuko kay Magalong ang limang miyembro ng Perfecto Purugganan Group na aktibong may operasyon sa Abra at iba pang lugar sa Region 1.
Kinilala ang lima na sina Edwin O’reilly MaÂnaois, Amante Angeles Labasan, Amante Sagario Labasan Jr., Kinsley Belleza Singson, at si Renato Bonete Sequera na pawang nakatira sa bayan ng Langiden, Abra.
Sinaksihan naman ng mga lokal na opisyal sa lalawigan ang pagsuko ng limang PAGs.
“They are now at Abra Provincial Police Office for profiling and background investigation while the turned-in firearms will be for ballistic examination,†pahayag pa ng opisyal.