Bagets inutas sa jeepney

CAVITE, Philippines - – Napaslang ang16-anyos na bagets makaraang pagsasaksakin ng 25-anyos na lalaki sa loob ng pampasaherong jeepney na nakaparada sa  bisinidad ng Barangay Zapote 5, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktimang si Mario Cajandab ng Sitio Longos sa nasabing lungsod habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Jayvee “Robin” Tolin ng Sitio Pulo sa Barangay talon, Las Piñas City. Ayon kay P02 Michael Legaspi, natutulog ang biktima sa loob ng pampasaherong jeepney (PYM 111) na nakaparada sa nasabing lugar nang lapitan at saksakin ng suspek.

Show comments