MAGUINDANAO, Philippines - - Tatlong magkakapatid ang namatay matapos na makulong sa kanilang bahay na nasusunog kamakalawa ng gabi sa Barangay Taviran sa bayan ng Datu Odin Sansuat sa Maguindanao kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga naÂmatay na sina Baillingga Benito, 25; Baculot Benito, 18; at Baishirca Benito, 15.
Sa ulat ni SFO4 George Billones, operations maÂnager ng Bureau of Fire Protection sa ARMM, halos hindi na makilala ang tatlo dahil sa grabeng pagkasunog ng mga katawan.
Lumilitaw naman sa paÂngunang imbestigasyon na nawalan ng kuryente sa nasabing lugar kaya isang natumbang kandila ang pinagmulan ng apoy na kaagad kumalat sa bahay ng mga biktimang natutulog.
Nabatid na hirap pumasok ang mga bomÂbero dahil sa makipot ang kalsada kung saan naapula naman bandang alas-9:43 ng gabi kung saan umabot sa 100 kabahayan ang nilamon ng apoy.
Tinatayang aabot naman sa P 5 milyong halaga ng ari-arian ang naputok ng apoy habang patuloy pa rin ang imbestigasyon.