CAVITE, Philippines - – Bumulagta ang 35-anyos na gasoline boy na sinasabing magde-deposit sa banko ng malaking halaga na kinita ng gasolinahan matapos itong ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Maduya, bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang biktimang si Augusto Laudiza, gasoline boy ng Gasso Fuel Trading Inc. at nakatira sa #9327, JM Loyola Street sa nabanggit na barangay. Base sa police report, patungong banko ang biktimang nagmomotorsiklo kaangkas ang katrabahong si Jell Manabo nang harangin at pagbabarilin. Kasunod nito, kinuha ng gunman ang bag na naglalaman ng malaking halaga kung saan hindi naman idinamay si Manabo.