Driver dedo sa tandem

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 43-anyos na trike driver­ makaraang ratratin ng motor­cycle-riding assassins sa Barangay Bantog, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Tatlong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Erickson Malang habang tinamaan naman ng ligaw na bala ang 6-anyos na si Ann Jayleen Santiago. Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima matapos ihatid ang kanyang misis sa Bantog Elementary School na pinagtuturuan nang pagbabarilin pagsapit sa nasabing lugar. Naisugod pa sa  San Miguel District Hospital subalit hindi na umabot pa ng buhay ang biktima.

 

Show comments