Bangka lumubog: 3 nawawala

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€”  Tatlo-katao ang nawawala makaraang lumubog ang pampasaherong bangka sa Apayao River ng Barangay Lubbung Binuan Poblacion sa bayan ng Kabugao, Apayao noong Sabado.
 Kinilala ni P/Senior Supt. Albertlito Garcia, Apayao PNP director ang mga
 biktima na sina Crispin Addil Talosig, Noralin Apin Talosig at utol nitong si Heidie Talosig,15.
 Lumalabas sa imbestigasyon na pasulong ang bangka nang lamunin ng ilog matapos balyahin ng malakas na alon dulot ng bagyong Santi. Nailigtas naman ang 12 iba pa habang pinaghahanap ang tatlo na pinaniniwalaang nalunod.

Show comments