Kelot lasog sa Cavitex

CAVITE, Philippines – Nalasog ang katawan ng  isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang masapol ng rumaragasang sasakyan nang tumawid ito sa  kahabaan ng Cavite Expressway sa Kawit, Cavite kamakalawa.


Sa report ng pulisya, dakong ala-1 ng  hapon nang bigla na lang umanong pumasok at magtatakbo ang isang lalaki sa south bound lane ng R-1 extension ng Cavitex toll gate sa Bgy. Pulborista-Binakayan.

Tinangka naman itong habulin ng isang security guard pero hindi nagpaawat ang isang lalaki bunsod upang masagasaan ito ng isang rumaragasang Mitsubishi Pajero (JMT 101) na minamaneho ng suspek na si Ritchie Moral, 40 anyos. Walang natagpuang pagkakakilanlan sa nasa­wing biktima na tinatayang nasa 30-40 ang edad, nasa 5’2” hanggang 5’4” ang taas, nakasuot ng pulang sleeveless jersey shirt at checkered short pants.

 

Show comments