Lady trike driver itinumba

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 29-anyos na lady trike driver matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa bakuran ng bahay ng kayang pinsan sa Barangay San Mateo, bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Eloisa Mae Ygot ng Sitio Compra sa nasabing barangay. Ayon kay PO2 Alvin Salvacion, bumisita ang biktima sa pinsang si Charito Torres nang lapitan at barilin ng di-kilalang lalaki bandang alas-11:30 ng gabi. Nakatakas naman ang gunman lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Bigte sa nasabing bayan.

Show comments