Mag-asawa pinalakol ng trader

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Nakikipaglaban  kay kamatayan ang mag-asawang beterinaryo makaraang pa­lakulin ng kanilang kaanak na trader na nairita sa pagparada ng kanilang sasakyan sa harap ng furniture shop sa Barangay San Jose, bayan ng Aurora, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mag-asawang biktima na sina Dr. Charlie Foronda at Marlina Isabela Foronda ng Barangay Malasin sa nasabing bayan. Nadakip agad ng pulisya ang suspek na si Aurelio Foronda. Lumalabas sa imbestigasyon na kinompronta ng suspek ang mag-asawa matapos gawing parking area ang harapan ng kanyang furniture shop. Kasunod nito ay sumiklab ang mainitang pagtatalo kaya nagawang pagpapalakulin ng suspek ang mag-asawa.

 

Show comments