2 uli ‘sinalvage’ sa Cavite

CAVITE , Philippines   â€“ Dalawa-katao na sinasabing biktima ng summary execution ang inabandona sa gilid ng Maliksi Drive’s sa Barangay Pasong Kawayan, bayan ng  General Trias, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan sa isang babae’t lalaki na may palatandaang pinatay sa bigti bago itinapon sa nasabing lugar. Nasa 30 hanggang 40-anyos ang lalaki na may taas na 5’4, nakasuot ng pulang T-shirt at brown short pants habang ang babae naman ay nasa edad 20 hanggang 30, may taas na 5’2, nakasuot ng light blue na T-shirt at dark blue jogging pants. Ayon sa security guard ng subdibisyon na si Nathaniel Estrela, kapwa nakagapos ang mga kamay ng mga biktima kung saan binalutan ng packaging tape ang mukha. Posibleng pinatay ang mga biktima sa ibang bayan saka itinapon sa nasabing lugar upang iligaw ang mga imbestigador.

 

Show comments