MANILA, Philippines - Nagwakas na ang kakaÂibang trip sa pamboboso ng 26-anyos na driver sa ka-boardmate nitong misis matapos itong maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa mismong kisame ng silid ng pinagpapantasyahang babae sa boarding house sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte.
Hindi na nakapalag sa aktong nasa itaas ng kisame sa silid ng misis ang suspek na si Robert Manolong ng Ipil, Zamboanga Sibugay at pansamantalang tumutuloy sa boarding house sa Barangay Fatima sa naÂsabing bayan.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, rumesponde ang pulisya sa pamumuno ni SPO2 Romeo Abil matapos na magreklamo ang misis na si Renely VillamilÂ, 31.
Sa salaysay ni Villamil, bandang alas-12:01 ng maÂdaling-araw ng maalimpuÂngatan siya dahil may kumakaluskos sa kisame ng boarding house na pag-aari ni Norma Sayon.
Agad namang humingi ng saklolo ang misis sa may-ari ng boarding house kung saan tumawag na ng mga pulis.
Nabatid na ang suspek at si Villamil ay magka-boardmate sa boarding house.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon na gumawa ng butas sa kisame ang suspek upang mabosohan ang biktima lalo na kapag nagbibihis ito at bagong paligo.