Zambales, Batangas nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.0  ang silangan ng Cabangan, Zambales noong Martes ng gabi. Ayon sa Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang lakas ng pagyanig na intensity 2 sa Clark, Pampanga. Naitala ang sentro ng lindol sa may 19-kilometro hilagang silangan ng Cabangan, Zambales na may 15-kilometrong lalim. Samantala, nakapagtala naman ng mahinang pagyanig sa bayan ng Don Marcelino, Davao del Sur  sa lakas na magnitude  2.3 kahapon ng madaling-araw. Gayundin, nakapagtala naman ng 2.2 magnitude na lindol sa may 7-kilometro sa hilagang silangan ng Tineg, Abra at 34 kilometrong lalim. Bandang alas-8:38 ng umaga kahapon, niyanig naman ng  magnitude 3 na lindol ang hilagang kanluran ng Calatagan, Batangas. Gayunman, wala namang naitalang naapektuhan ng mga lindol kung saan ang origin ay nagmula sa nagkiskisang tectonic plate sa ilalim ng lupa.

Show comments