Tumanggi sa pera, dinedo

CAVITE, Philippines - Napatay ang 33-anyos na mangingisda  na sinasabing tumangging ibenta ang mga isdang nalambat matapos itong barilin ng isang lalaki sa dalampasigan gn beach resort sa Barangay Ligtong sa bayan ng Rosario, Cavite kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Ernesto Adenir habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Bienvenido “Unyo” Convento, 51, ng nasabing barangay. Ayon kay PO2 Ellezer Tagalog, tumangging ibenta ng bitkima  ang mga nalambat na isda sa suspek kung saan nagtalo pa ang dalawa hanggang sa maganap ang pamamaslang sa San Isidro Beach Resort bandang alas-10 ng umaga.

Show comments