Obrero inutas sa beerhouse

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Balewala ang ipinatutupad na gunban ng Commission on Elections (Comelec) makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang 47-anyos na mister sa loob ng videoke bar sa Barangay Poblacion, bayan ng Mallig, Isabela kamakalawa ng gabi.
 Kinilala ni P/Chief Insp. Freddie Natividad ang biktima na si Artemio Bolo,  grains classifier at nakatira sa Barangay Victoria sa nasabing bayan.
 Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa videoke bar nang lapitan at ratratin. Tumakas agad ang gunman sakay ng isa pa nitong kasamahan sa motorsiklong naghihintay sa labas ng beerhouse.

Show comments