Therapist utas sa SUV

CAVITE , Philippines   â€“ Napaaga ang kamatayan ng 35-anyos na therapist matapos itong salpukin ng SUV sa Tirona Highway sa Barangay Habay 1, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marilyn Flores ng # 29 Palo Alto sa nasabing barangay habang nakatakas naman ang SUV na may plakang ZPP-820. Sa police report, naglalakad sa gilid ng highway ang biktima nang salpukin ng SUV kung saan hindi naman sumaklolo ang driver sa biktima bagkus ay pinaharurot ang kanyang sasakyan.

Show comments