Txtmate ni misis utas kay mister

QUEZON , Philippines  - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 29-anyos na stay-in helper ng kapwa trabahador sa manukan makaraang pagbintangang ka-txtmate  ng misis ng huli kamakalawa ng umaga sa Purok de Villa, Barangay Sampaloc 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nelson Pangantihan, stay-in sa Joy Bigwas Poultry Farm habang tugis na ng pulisya ang suspek na si Alberto Cagara, tubong San Narciso, Quezon at trabahador din ng nasabing manukan. Sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbintangan ang biktima na nakikipag-text sa asawa ng suspek kaya kinompronta ito kung saan Itinangi naman ng biktima ang akusasyon kaya sinaksak at pinagbabaril.

Show comments