Brgy chairman kalaboso

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang brgy. chairman matapos nitong pagbabarilin ang isang miyembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) na nasugatan sa insidente sa Brgy. Pina, Maayon, Capiz nitong Sabado ng mada­ling araw.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 6, kinilala ang nasakoteng suspek na si Roberto Dellava, Chairman sa Brgy. Pina ng bayang ito. Nakilala naman ang pinagtangkaan nitong paslangin na si Joselito Pedalgo, residente rin sa lugar.

Bandang ala-1:30 ng madaling araw kahapon ng pagbabarilin ni Dellava ang biktima kasama ang ‘di pa nakikilalang kasama nito.

 Dahil dito nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kaliwang kamay at kanang hita ang biktimang si Pedalgo na agad na isinugod sa Bailan Hospital.

 Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

 

Show comments