BULACAN, Philippines – Pinagbabaril at napatay ang 57-anyos na traffic aide ng motorcycle-riding gunmen habang ito ay nagmamando ng daloy trapiko sa Barangay Sto.Cristo, bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon. Naisugod pa sa Our Lady of Mercy Hospital subalit namatay din ang biktimang si Efitacio Calderon ng Brgy. Balatong-B sa nasabing bayan. Sa ulat ni PO1 Razzle Libunao, abala ang biktima sa pagmamando ng trapiko sa gitna ng kalsada sa Pulilan Intersection sa DRT Highway nang lapitan at ratratin ng tandem. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng baril.