Trader dinedo ng holdaper

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinabulagta ang 53-anyos na negosynate matapos itong pagbabarilin ng dalawang holdaper na lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng Sitio Bagacay, Barangay Nadawisan sa bayan ng Cataingan, Masbate kahapon ng umaga. Sa ulat ng pulisya, papauwi at lulan ng traysikel ang biktimang si Casimiro “Meroy” Ponpon nang sundan at pagbabarilin ng tandem. Bago tumakas ay tinangay ng gunmen ang shoulder bag na naglalaman ng malaking halaga at cell phone ng biktima.

Show comments