Ex-Army inutas sa hapag-kainan

MANILA, Philippines - Napaslang ang 59-anyos na dating sundalo ng Philippine Army matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa covered court ng plaza sa Barangay Gatas, Pagadian City sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Patrick Gonzales na naging security officer ng Geforce Security Agency at nakatira sa Purok Betlehem sa Barangay Banale. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang habang naghahapunan ang biktima sa karinderya sa covered court. Gayon pa man nakatakas ang gunman lulan ng motorsiklo.

Show comments