5 dakma sa pot session

BULACAN, Philippines – Lima-katao ang bumagsak sa kulungan makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya habang nagpa-pot session sa bahagi ng Barangay Burol 2nd, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Cecille Garrido ng Brgy. Tejeros, Malabon City; Jeffrey Gonzales, Roussel Gonzales na kapwa nakatira sa Brgy. Lolomboy; Anthony Ortega ng Brgy. Caingin at ang 17-anyos na estudyante ng Brgy. Antipona, Bocaue. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Alfonso Cruz,  nadiskubre ang pot session matapos tumawag sa himpilan ng pulisya ang isang concerned citizen mula sa Villa Juliana Subd. Nasamsam sa apartment na inuupahan ni Garrido ang 7-plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.

 

Show comments