Mag-utol grinipuhan ng kawatan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-utol matapos itong pagsasaksakin ng kawatang pumasok sa kanilang bahay sa Barangay Calumpang, bayan ng Cawayan, Masbate kahapon ng madaling-araw. Naisugod naman sa Cawayan Municipal Hospital ang mag-utol na sina Arturo Senining, 37, may asawa, negosyante; at Vergie Senining, 24, dalaga, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Joseph “Titing” Tulda, kapitbahay ng mag-utol at sinasabing notoryus na akyat-bahay. Wala naman nakuhang cash at gamit matapos magising ang mag-utol na sinasabing nanlaban sa suspek kaya naganap ang pananaksak.

 

Show comments