^

Probinsiya

3 kabataan tinadtad sa loob ng tolda

Roderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - KABACAN, North Cotabato - Maagang sinalubong ni kamatayan ang tatlong menor-de-edad matapos na matagpuang tadtad ng saksak sa loob ng isang tolda na kanilang pahingaan sa sakahan sa Barangay Aringay, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang tatlong mga biktima sa kanilang mga alyas na sina Owen, 14; Butchoy, 12 at Jony, 20, Barangay Liliongan, Carmen, North Cotabato.

Dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ang mga bangkay ng mga biktima na pawang naliligo sa sari­ling dugo.

Ayon kay Maribojo, posibleng isinagawa ang krimen sa tatlo ng mga di-kilalang salarin kamakalawa ng gabi o madaling-araw kahapon.

Ang tatlo ay katiwala ni Kidlat Mangindre Samadalan, nasa tamang edad at residente ng Barangay Bannawag ng bayang ito sa pagpapastol ng kanyang itik.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga imbestigador, maliban sa pinagsasaksak ang mga biktima ay nagtamo din ng ilang pasa na posibleng matigas na kahoy ang ipinanghampas sa mga biktima hanggang sa mapatay.

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

AYON

BARANGAY ARINGAY

BARANGAY BANNAWAG

BARANGAY LILIONGAN

JORDINE MARIBOJO

KABACAN

KIDLAT MANGINDRE SAMADALAN

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with