Trader itinumba sa lotto outlet

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinabu­lagta ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa harap ng lotto outlet sa Barangay Silangan, bayan ng San Fernando, Masbate kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jolly Jardin, may asawa, at nakatira sa Barangay Bagahanglad, bayan ng San Jacinto.

Base sa ulat ng pulisya,  ang pamamaril ay naganap dakong alas 3 ng hapon habang ang biktima ay tumataya sa lotto outlet sa nasabing barangay.

Walang sinayang na oras ang gunmen kung saan pinutukan sa ulo ang biktima saka tumakas lulan ng motorsiklo patungong bayan ng San Jacinto.

Narekobrer sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments