2 kabesa tiklo sa arms cache

BULACAN, Philippines  - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kabesa makaraang makumpiskahan ng mga baril at bala sa isinagawang operasyon ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga.

Pormal naman kinasuhan ang mga suspek na sina Chairman Gener Lopez ng Barangay Labne at ex-Chairman Melvin Santos ng Brgy. Camias.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Edwin Quilates ng Provincial Intelligence Branch, unang ni-raid ang bahay ni Lopez sa Brgy. Labne kung saan nasamsam ang dalawang M16 Armalite rifle, cal. 45 pistol, cal 22 rifle na may teleskopyo at iba’t ibang uri ng bala.

Sa bisa rin ng search warrant na inisyu ni Judge Ramon Pamular ng Guimba Regional Trial Court Branch 32 ng Nueva Ecija, sinalakay naman ng pang­kat ni P/Supt. Ross Alva­rado ng Provincial Public Safety Company ang bahay ni Santos sa Brgy. Camias kung saan nakumpiskah ang dalawang cal. 45 pistol.

Show comments