2 minero inutas sa sementeryo
MANILA, Philippines - Mistulang inihatid na sa kanilang huling hantuÂngan ang dalawang minero matapos itong pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng sementeryo sa Purok 1, Barangay Poblacion, bayan ng Barobo, Surigao del Sur kamakalawa. Kinilala ang isa sa dalawang minero na si Julius Alegarme Tuyor, 25, habang ang isa ay patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, narekober sa Dabasa Balahay Cemetery ang bangkay ni Tuyor na may mga tama ng bala sa ulo at mga braso nito kung saan ay inilagay pa ang labi nito sa loob ng nakabukas na nitso. Samantala, ang isa pang bangkay ay natagpuan may ilang metro mula sa bangkay ni Tuyor sa bahagi naman ng damuhan.
- Latest