Davao del Sur niyanig ng lindol

MANILA, Philippines -  Niyanig ng lindol ang malaking bahagi ng Davao del Sur kahapon ng tanghali. Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol  na may lakas na 5.0 magnitude  ay naitala sa layong 55-kilometro sa silangan ng Don Marcelino, Davao del Sur kung saan may lalim na 153 kilometro. Matapos nito ay nakapagtala rin ng  intensity 3 na lindol sa may 10-kilometro sa silangan ng Nueva Era sa Ilocos Norte mula sa 10-kilometro lalim na lupa kung saan sinasabing tectonic plates ay nagkiskisan. Naitala rin ng Phivolcs ang  intensity 3.5 na lindol mula sa layong 32 kilometro ng kanluran ng Kalamansig, Sutan Kudarat kahapon ng umaga. Wala namang ulat na may naganap na aftershocks kung saan wala ring iniulat na napinsalang ari-arian kaugnay ng naturang lindol.

Show comments