Adik nanunog ng bahay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  â€“ Pinaniniwalaang nairita sa sermon ng kanyang ama ang 19-anyos na lalaki na sinasabing adik sa iligal na droga kaya sinunog nito ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Tabuc, bayan ng Mobo, Masbate. Base sa ulat ng pulisya, umuwing lango sa droga ang suspek na si Oliver Abagon nang pagalitan ng kanyang ama. Gayon pa man, nairita ito sa panenermon na humantong sa mainitang pagtatalo ng mag-ama hanggang sa sunugin ng suspek ang kanilang bahay bago tumakas.

Show comments