2 nagbigti dahil sa selos

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang dalawang mister na sinasabing may matinding selos sa kani-kanilang misis matapos itong magbigti sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Albay kamakalawa. Bandang alas-9:30 ng gabi nang magbigti ang biktimang si Fernando San Juan Bron, 22, ng Purok Sunflower sa Barangay 4, bayan ng Pio Duran, Albay. Samantala, si Salvador Rellores, 37, ay nagbigti din sa punungkahoy sa gilid ng ilog sa Barangay Bonga, Ligao City, Albay.

Show comments