2 tumba sa shootout

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao ang napaslang sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon ng tanghali. Ayon sa report, si Alejandro Roidas na sinasabing nakatayo sa labas ng bahay ng kanyang kabigan sa Barangay Ponol ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng di-kilalang lalaki habang sugatan naman ang bystander na si Salam Bashit matapos tamaan ng ligaw na bala. Tinangay pa ng gunman ang motorsiklo ng biktima. Samantala, binaril at napatay ng mga di-kilalang lalaki ang biktimang si Primitivo Ceballos sa bahagi ng Barangay Batulawan. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Elias Dandan, kababa lamang ni Ceballos sa pampasaherong sasakyan nang lapitan at pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins.

Show comments