Mag-ina inararo ng bus

CAVITE, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 5-anyos na totoy habang kritikal naman ang  ina nito makaraang araruhin ng pampasaherong bus Centennial Road sa Barangay Tabon, bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng umaga. Namatay habang ginagamot sa Divine Grace Hospital si MJ Ligot habang kritikal ang ina nitong si Marites Ligot, 25, kapwa residente ng Waterfield Subd sa nasa­bing bayan. Arestado naman ang driver ng aircon bus na si Johnny Colindres, 40, ng Barangay Lambingan, Tanza, Cavite. Base sa police report, magkahawak ang mag-ina na tumatawid sa nasabing kalsada nang mahagip ng bus na may plakang TYJ-487. Tumilapon ang mag-ina kung saan napuruhan ang murang katawan ng bata.

Show comments