P1.5-M kargamento hinaydyak

BATAAN, Philippines – Umaabot sa P1.5 milyong halaga ng kargamento ang hinaydyak ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Sta. Isabel sa bayan ng Dinalupihan, Bataan noong Martes ng gabi.  Sa ulat ng pulisya, kalalabas pa lamang ng cargo truck (TDY 591) sa depot ng NSD compound sa Subic Bay Freeport Zone nang masiraan ng makina sa nasabing barangay. Matapos ayusin ng driver na si Felix Amano at ang kanyang pahinanteng si Richard Cise ay biglang lumapit ang mga di-kilalang lalaki na lulan ng van kung saan kinumander ang kanilang truck. Iginapos sina Amano at Cise  saka inabandona sa bahagi ng San Simon, Pampanga kaya naipaabot sa pulisya ang naganap na insidente.

Show comments